Powered By Blogger

Wednesday, January 26, 2011

Binyag... Isang Magandang Alaala


Kung tagasubo ka, este...tagasubaybay ng mga kakatihan at kabaklaan ni Reyna U,

may ideya ka na may bagong karakter na wala pang pangalan sa buhay nya...

minsan tawag sa kanya HARING TAHIMIK, HARING ASAL, HARING MALAYO, HARING KUMAG, PAGONG...

pero wala pa talaga syang identity...

Siguro kasi hindi pa talaga mapangalanlan ng Reyna U...

Pinaunlakan kame sa isang walang kwentang talakayan with Reyna U

at bahala ka na maghusga kung ano ang meron, kung inlababo ang ateng...

BUKOY: Ma'am, may pangalan na ba yung nagpapangiti, nagpapasimangot, nagpapatulala at
nagpapabuntunghininga sa iyo?

REYNA U: wala pa eh.

BUKOY: Bakit po?

REYNA U: kasi...baka mahulaan agad kung sino...

BUKOY: e ano naman po kung mahulaan?

REYNA U: nahihiya ako e.

BUKOY: bago yan madame...ikaw??? mahihiya na mabisto sa nararamdaman mo?

REYNA U: oo nga...ewan ko ba...siguro may tama ako... sa ulo... bwahahahahah!

BUKOY: may tama nga po kayo...at alam nating hindi sa ulo...

REYNA U: basta...(buntunghininga)

BUKOY: O sige ganito ma'am, padaliin natin ang tanong, pakidescribe mo naman sya...

REYNA U: matangkad, matangos...oo pwede na tawaging matangos ang ilong nya...

BUKOY: ano pong trabaho nya?

REYNA U: ha? eh, next question pls...

BUKOY: So, wala syang trabaho?

REYNA U: meron technically...basta mahirap ipaliwanag...

BUKOY: nakikita ba namin kayong magkasama?

REYNA U: oo, pero mabibilang sa kamay yung matagal na magkasama

BUKOY: Matagal mo na po ba syang kilala?

REYNA U: Kilala sa pangalan kasi nasa friendster ko sya dati...pero nothing significant...tahimik sya noon..wala kaming koneksyon kundi additional lang syang friend ko sa friendster...

BUKOY: Nasa facebook mo po ba sya?

REYNA U: oo

BUKOY: Nag-uusap po ba kayo?

REYNA U: uhhmmm... usap na mababaw...ngayon, bihira na...

BUKOY: paano pong mababaw? ngayon, hindi na kayo nag-uusap?

REYNA U: mababaw, kasi hindi naman sya nagkekwento ng buhay nya... Kung meron man akong alam sa kanya, kwento ng taong malalapit sa kanya...Nag-uusap kami, pero hi, hello lang...Busy ata sya eh.

BUKOY: Nakapagdate na ba kayo?

REYNA U: wish ko lang...at parang nahihiya naman ako...o di ba? nakakaasar nga na nahihiya ako pabigla-bigla...e hindi naman ako ganito sa mga nagdaang kakilala ko...

BUKOY: sabi mo, kwento ng taong malalapit sa kanya...may girlfriend sya na kaclose mo?

REYNA U: kung kaclose ko ang gf nya ateng, malamang hindi ko sya gusto...at tupperware party kame ng gf nya...

BUKOY: So, may gf sya?

REYNA U: dati...o baka sila pa din...hindi ko alam e. ayokong alamin, kasi wala akong pakialam dun sa gf...

BUKOY: Nakita mo na ba ang gf nya?

REYNA U: sa picture...

BUKOY: maganda ba? o seksi?

REYNA U: maganda...may anggulong maganda, may anggulong fair lang... seksi? kung seksi ang payat sa iyo, seksi...pero walang bumper, ika nga...

BUKOY: Malakas ba ang dating?

REYNA U: hindi...mas malakas pa din ang personality ko... at yan ang sigurado ako...hindi ko pa sya nami-meet pero sa tingin ko sa pics nya, mas mataray ako tingnan

BUKOY: naiinsecure ka ba?

REYNA U: noon...lalo na nung nakita ko yung mga sweet pics nila...pero, sabi ko...tama lang na makita ko yun para magising ako na nangangarap ako ng gising...

BUKOY: Bakit mo nasabi yan? Ibig sabihin parang malabo kang mapansin nya?

REYNA U: siguro...hindi ko naman alam tumatakbo sa isip nya kapag nakikita nya ako e...

Ayokong mapansin ako dahil nakaka panikip ng pantalon ang suot ko,
o nakakatulo ng laway ang katawan ko, (dahil hindi naman) heheheheh!
ang sa akin kasi, being sexy is a state of mind...
you don't have to weigh 50 kilos lighter just to project na sexy ka...

Kung sexy lang ang puhunan, bakit may mga artista pa din naghihiwalay
inspite of them maintaining their figure...
Ang ibig ko lang sabihin, libog does not make the world go round...

let me explain further...kapag nag-asawa ka o pumili ka ng makakasama mo hanggang sa
nagkekwento ka na sa mga apo mo,
yang sexy na yan, or ganda ng katawan or kinis ng kutis, nawawala yun e
ang sa akin, i'd rather nourish my neurons para hindi agad ako magka - alzheimers
at punuin ng memories ang puso ko...
Para pag may mga apo na ako, sila ang kekwentuhan ko
na kahit majoba ang lola nila,
makati naman kesa sa higad na blue... hahahahahah!

Kapag nasa tumba-tumba na kayo pareho,
puti na ang buhok nyo,
hindi naman yung pagsasama nyo sa kama ang maaalala mo e
di ba, yung pinagsamahan ninyo,
paano nya nalaman na sya pala ang gusto mo,
paano mo pinaglabanan ang sarili mong nararamdaman
at paano ka nya nakumbinsi na masaya kung tatanda kayo magkasama...

BUKOY: Sa tingin ko ma'am, malalim ang nararamdaman mo sa kanya...

REYNA U: Siguro...

BUKOY: Paano mangyayari yun e sabi mo, bihira kayo mag-usap?

REYNA U: Sabi nga ng kaibigan ko, May mga halaman na tumutubo ng walang nag-aalaga...hindi mo masabing damong ligaw...

Bakit, yun bang mga dinatnan ng mga tao sa gubat na punong kahoy, itinanim ng tao? Araw-araw ba
pinupuntahan nila yun at dinidiligan? o tinatanggalan ng peste? o nilalagyan ng pataba?

BUKOY: May punto ka...pero, pareho ba kayo ng nararamdaman?

REYNA U: Sa ngayon, wala akong matibay na katibayan para sabihing oo...wala din akong matibay na katibayan para sabihing hindi...in short, hindi ko alam...kasi hindi ko kayang alamin at hindi ko alam ang paraan paano ko malalaman...

Sa unang pagkakataon, nahihiya nga ako... Sa unang pagkakataon, wala akong magawa kundi ngumiti...pero kapag natatalo ako ng tunay kong personalidad, lalo na pag nasaktan ako sa ginawa, nagsasalita ako, lumalabas ang pagtataray ko...

BUKOY: So ibig sabihin, natarayan mo na sya...

REYNA U: oo, once pa lang.

BUKOY: sa anong rason?

REYNA U: Gusto mo ding matarayan ko?

BUKOY: sabi ko nga e, ibang question na lang...eh paano kung sila pa o may gf na syang bago?

REYNA U: eh di, loss ako...ganun lang.

BUKOY: ganun na lang? hindi pwedeng sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo?

REYNA U: hindi pwede e. kasi masyadong malalim ang koneksyon ko sa mga taong malalapit sa kanya...hindi ko kayang isugal yon...dahil mahal ko din ang mga taong malalapit sa kanya...

Swerte ko na lang kung maging mas malalim ang relasyon namin ng mga taong malapit sa kanya...what i mean is...yung andun ako sa lahat ng okasyon...at sila din sa lahat ng okasyon sa bahay namin...gets mo?

Sa ngayon, dapat akong makuntento sa paminsan-minsan naiimbitahan sa mga pampamilyang okasyon pero hindi ako dapat maghanap ng higit pa doon dahil wala ako sa lugar...

Minsan pa nga, nahihiya na din akong magpaunlak sa imbitasyon...kasi...hindi naman ako miyembro ng pamilya nila...nahihiya ako dahil ang trato sa akin ay abs-cbn channel 2...hehehhehe...

Sana maging gma 7 muna ako ni boylet bago maging abs-cbn para masaya talaga...hehehehe

pero komplikado masyado ang sitwasyon ko maging swabe lang ang lahat...

BUKOY: paano pong kumplikado?

REYNA U: i still need annulment...at ang isang naikasal na babae ay hindi para sa isang taong hindi pa naikakasal...parang wala akong maipagmamalaki pagdating sa aspetong yun

Pero, hindi pa din naman nangangahulugan yun na mag-papaapi ako kung may magtangka man na mang-api sa akin dahil sa estado na yan...maging sya man o ibang tao ang makasama ko sa buhay...

BUKOY: so ibig sabihin, lalabanan mo ang manlalait sa iyo?

REYNA U: Hindi naman...kapag binastos ako...ipapadama ko lang sa kanya na makitid ang utak nya at mamalasin sya ng bonggang bongga dahil inapakan nya ang pagkatao ko...

Hindi ako martir, hindi ako magpapakamartir...pero hindi din ibig sabihin na iiwan ko ang taong importante sa akin...lalaban ako pero hindi sa paraang mapapahiya ako at ang mga magulang kong nagpalaki sa akin...

BUKOY: sobrang seryoso ang mga sagot mo ma'am...so seryoso ka sa kanya?

REYNA U: oo, pwede mo na akong dalhin sa emergency room kasi nga seryoso ako...heheheheh!

BUKOY: may nakakaalam ba kung sino sya at ganyan kalalim ang nararamdaman mo para sa taong yon?

REYNA U: mangilan ngilan...may mga taong malapit sa kanya na nakakaalam pero sa tingin ko, hindi nila alam na ganito kalakas ang amats ko...sabi ko nga, kung may gamot lang dito, ininom ko na kasi alam kong magiging isa itong mahabang pakikipagsapalaran kung saka-sakali man na pagdugtungin ni Lord ang buhay ko at buhay nya...

BUKOY: Sa tingin mo, alam nya?

REYNA U: may ideya siguro sya...

BUKOY: kung ganon, ibig sabihin, hindi ka nya gusto kasi wala syang ginagawang hakbang?

REYNA U: maaring oo, maaring hindi...

BUKOY: kung gusto ka nya, bakit wala syang ginagawa?

REYNA U: Kung pareho kami ng nararamdaman, hindi ako dapat mag-alala di ba?

At kung wala syang ginagawa, baka busy siguro...or hindi pa panahon...

BUKOY: eh kailan?

REYNA U: Wag kang atat...baka natrapik lang....

BUKOY: May iba bang nagpaparamdam sa iyo sa ngayon?

REYNA U: oo, pero paano mo papansinin ang ice cream, eh gusto mo tubig na malamig lang? gets mo?

BUKOY: Ano po ba ang pangalan nya?

REYNA U: ALPHA MALE...aka HARI SA KAHARIANG MALAYO

BUKOY: Sana matyempuhan ulit kita na receptive sa mga tanong ko...

REYNA U: sana nga...kasi pagkatapos nito, matagal-tagal bago ako sumagot ng matino ulit...



ayan...mga ateng...sobrang seryoso di ba? pang ospital ang dating? nakakalerkey...
ngayon lang nagkaganito ang issue ng mga interbyu portions kay Reyna U...

Ibig sabihin...may tama sya! hahahah! til next tsismisan day mga sweethearts....

vavushka!

Friday, January 21, 2011

Osana


Salamat sa saglit na pagkakadaupang palad...

Salamat sa nilalanggam mong ngiti at kulit...

Salamat sa oras at pagod na iniuukol...

Sinasadya o hindi man,naalala o aksidente lang,salamat...

Pasensya na at hindi man lang naalok kahit tubig...sadyang hindi ako nakakapagsalita agad kapag nasosorpresa...

Sana sa muli,may oras ka,may oras ako,na nakalaan na para makilala kita.

Sana may masabi ka,may masabi ako...
Sana sa muling pag ambon ng sagot sa dasal ko,nakatunghay ako sa langit na madaming bituin...
Katabi ang taong nagpapalamig ng kamay ko at dahilan ng mga buntung hininga ko...
Sana sa muli,sinadya mo,sinadya ko...
Sana sa muli,mas maliwanag na kung an0ng daan ang nilalakaran...

Sana hindi lang ako ang may nais,sana pinapangarap mo din...

Sana maalala kita kapag sobra na akong abala...

Sana...may sagot sa dasal...
Sana...

S-E-L-O-S


Naranasan mo...Naranasan ko... Naranasan nating lahat...
Ang iba...dinadanas pa...

nakakamatay...hindi lang ng kuko...pati ng mga lamang loob at kasu-kasuan...

Wala kang ganang magtrabaho,
kasi nakita mo ang crush mo,
sabay silang kumain ng kaibigan mo
na mas makati pa sa gabi kung kumarir...

Hindi ka makabangon sa higaan mo...
kasi masama ang pakiramdam mo...
Dinamdam mo ang nakita mong magkasabay umuwi:
ang bespren mong delisyoso ang body
at ang ka-officemate mong sing gaspang ng pinipig ang ugali...

Kung kailan gusto mo makita ang gelpren mo,
hindi sya pwede, overtime daw...
at nang tumawag ka,
narinig mong kasabay nya sa overtime
ang ka-officemate nyang
kamukha ni Piolo...
Syota kasi sya ng Boss... yun lang...

Mainit ang ulo mo dahil pagcheck mo ng facebook...
may bagong picture ang nililigawan mo...
ngiting-ngiti pa sila...at para bang lahat ng pose nila
ay parang magsyota sila...

Sinungitan mo ang aleng nagtanong sa iyo ng direksyon
Kasi may nagkwento sa iyo
na lagi daw magkasama ang girlfriend mo
at ang best pren nyang boylet...
Eh kasi naman magkasama sila sa work...

Selos... berde ang kulay nito..
Kulay Dyodingerzi...
Kapatid nito ang Inggit
Pinsan nila ang Galit
Nanay nila ang nakakamatay na Panibugho

Tinatakpan nito ang malinaw na utak
Sinusugatan ang puso mong highblood
Pinupuno ang ugat mong naglalakihan na sa pasma

Pero kung tutuusin ng maayos...
baka walang basehan ang selos...
pero ulet, kung tutuusin ng mas maayos...
baka gumagawa ka ng multo na papatay sa iyo....
uulitin ko na naman...
baka takot ka sa sarili mong anino...
o baka wala kang ginagawa
para maibsan ang nararamdaman mo...

Pwedeng iligo,
pwedeng ikain,
pwede ring sabihin,
pwedeng ikanta,
pwedeng iinom,
pwedeng isayaw...

hangga't hindi mo pa magawan ng paraan
ang dyodingerzing selos na yan...
gawa ka ng paraan para maibsan yan...

nakakamatay yan.... dahil highblood ka
nakakalungkot... dahil mag isa ka
nakakaasar... dahil wala kang magawa o magawa pa
nakakasawa... dahil paulit-ulit na lang
nakakasakal... lalo na kung walang basehan
nakakaawa... ka kung hind mo sasabihin na nagseselos ka
nakakaawa pa din...sya kung hindi nya malalaman

selos...
tatlong tao ang nakatayo...
isang nagseselos
isang pinagseselosan
at ang mahaba ang hair na pinag-aagawan...

unang tanong kaibigan: anong dahilan?

pangalawang tanong kaibigan: anong magagawa?

pangatlong tanong kaibigan: mahal nyo ba ang isa't isa?

pang-apat na tanong katoto: alam ba ninyo na mahal ninyo ang isa't isa?

pang-limang tanong pare/mare: ano ang problema?

pang-anim na tanong mga ateng/kuyang: so, ganyan na lang kayo/tayo? hindi na tayo uusod?

pang-pitong tanong girl/boy/bakla/tomboy: masarap ba yan at lagi nating dala-dala sa dibdib?

pang-walong tanong pipol of the world: ano na ang gagawin mo/natin?

pang-siyam na tanong mga dude: nakakita ka na ba ng penis at balls? di ba pag nagagalit yung penis, puro rugae (kulubot) ang balls?

pang sampung tanong... at ito ang pinaka importante sa lahat ng tanong: GUSTO MO BA MAG MUKHANG BALLS?

Itawa mo na lang yan...darating ang oras na iyo na lahat pati pagligo ng taong iniirog mo...

Pulitika (Politics)


"Kakabog ang dibdib mo...
Kikiligin ang kalamnan mo....
Kikirot ang puso mo..."
-Ricky Lee hango sa aklat na "Para kay B"

Tatlong K...Kapag kaharap mo na daw ang isang tao...
at naramdaman mo ang tatlong K na ito...
Inlab ka daw...

"Hindi mo makakatuluyan ang Great Love mo...
ang makakatuluyan mo ay ang Correct Love." - Ricky Lee

Talaga? Iba-iba ang taong nakakasalamuha natin...
at iba-ba ang dating natin sa kanila....
Iba-iba din ang dating nila sa atin...

May malakas ang arrive...
May animalistic...
May "keri lang..."
at may walang kadating-dating...
kahit pa gaano sya kagwapo, kaseksi, kaputi, kaganda...
kalaki ng bumper...
May iisang hinahanap ang mata mo... tama?

"Iba-iba ang ibig sabihin ng masaya." - Ricky Lee

Gaya ng salitang kahirapan...
Sa akin, mahirap na ako kapag hindi na ako makapagtrabaho...
Sa iba, dumaranas sila ng kahirapan kapag mayroong maysakit sa pamilya
Sa karamihan, mahirap na silang maituturing kapag hindi sila nakapamasyal ng weekends...
at kung anik-anik pang saloobin sa pagiging mahirap...

Gaya ng "saya"...
Sa akin, isa lang ang ibig sabihin ng masaya...
Ang lahat ng bagay dito sa mundo ay kaya mong kunin,
angkinin, bilhin ng mag-isa
pero hindi ang isang bagay na kelangan mo ng isa pang tao...

Hungkag ang buhay na walang mithiin...
Hungkag din ang buhay na walang pinanghihinayangan...

Sa isang punto sa buhay natin mayroon tayong minimithi
na abot kamay na sana natin sa isang pagkakataon
na hinayaan nating makalampas
at yun...
yun ang isang bagay na pinanghihinayangan natin...

Sana ganito...
Sana ganyan...
Sana noon...
Sana naman...
Walang katapusang sana...

"Lahat ng nangyayari may dahilan...Lahat ng bagay nagwawakas" - Ricky Lee

kaya wag kang maniniwala sa sagot na "wala yun."
Mas lalo kang mag alala...

"Mas matinding makaalala ang puso kaysa utak." - Ricky Lee

May makikipagtalo ba sa sinabi nya?

"Falling Inlove is a political act." - Ricky Lee

Panahon ng eleksyon...
Napapanahon...

Pagdugtung-dugtungin natin ang mga sinabi ni Ricky Lee

Nakita mo ang taong laging hinahanap ng mata mo...
Nanlalamig ang mga kamay mo...
Natatameme ka...
Ikaw na dating madaldal, makulit, mayabang,
Ma-PR...himala na wala kang masabi...
Wala kang magawa kundi ngumiti...
at sa tuwing makikita mo sya... iisa ang dialogue mo...
yun at yun...
Kumabog, Kinilig...

at ngayon... Kumikirot...

Dahil siguro hindi mo nakamtan ang gusto mo...
Dahil siguro wala nang oras...
dahil siguro hindi talaga pwede...
dahil siguro duwag ka...
dahil siguro manhid ako
dahil siguro iba ang tinitingnan mo ng mga panahon na yun...

Pagkatapos ng lahat-lahat
hindi naman importante kung maikli o mahaba
ang importante...masaya ka...
at hindi yun kayang ibigay ng mga taong nanunuya sa kalagayan mo
ng mga panahon na yun...
Hindi nila kayang ibigay kung ano ang naibibigay ng taong nagpapasaya sa iyo
dahil IKAW lang ang nakakaalam ng magpapasaya sa iyo...

Gaya ng mga asawang binugbog ng jowa nila...
Iba ang konsepto nila ng saya...
Masaya sila kahit gawin silang punching bag...
Huwag ka ng umalma, yun ang definition nya ng happiness nya...

Yung iba naman, kahit niloloko na
sige lang, nagbubulagbulagan...
ayos lang...
ang importante, masaya sya...kahit tanga sya...
Hindi na ako mageexpand..masaya sya e!
Sa mga nasasaktan para sa taong kakaiba
ang definition ng "happiness"...
lahat ng bagay may katapusan...

Gaya ng super like mong girlash
na iba naman ang like...
so super pakinig ka na lang sa mga istorya nya...
Lumayo ka kasi ng kaunti...para makita ka nya...
ang mga bagay na sobrang lapit, mahirap makita.
kapag malayo na... saka pa lang maiisip na abot kamay na pala dati...

Pero dahil nga naging masaya sya,
Hindi mo maialis sa kanya ang malungkot dahil
naputol na ang dahilan ng "happiness" nya...
So, super cry sya sa iyo
o super pa-bad boy ang drama nya
o parang bato ang puso nya...
ganun talaga...
malaki kasi masyado ang free space sa puso
kaya mas marami syang nastore na memory...
hayaan mo...maba-virus din yun
at dapat andyan ka kapag nagreformat na sya...

Falling Inlove is a political act...

Bakit? hindi ba?
Hindi ba't gaya ng politika, madalas hindi natin sya maintindihan?
Bakit nga ba sa kanya ka pa nalaglag?
Bakit hindi kay Juan?
Bakit hindi kay Marimar?
Hindi ba't kapag bago pa lang...
mabigyan ka lang ng kendi,
kilig na kilig ka na?
Alukin ka lang nya na sumukob sa payong nyang pink
e feel mo, ikaw na ang pinakagwapong tao sa balat ng durian?

At oo, gaya ng politika, puro pangako...
pangakong hindi mo alam kung ilan ang magkakatotoo

Pero gaya mga botante,
paulit-ulit tayong bumoboto...
paulit-ulit tayong nagmamahal...
dahil baka sakali
matagpuan na natin sa wakas ang dapat nating iboto...este...mahalin..

Wednesday, January 19, 2011

Selosa


Sa isang malamig na lugar,
kapag umaga at gabi lang malamig..
nagkaroon na pagkakataon
na magkaharap harap ang
anim na bago-bago pa lang
magkaibigan...

At dito nalaman ni J-brat
na selos nga si O-brat
dito din nalaman ni C-brat
na paminsan-minsa kelangan
nyang hayaan na yung iba ang magdesisyon
at magplano...
dito din nalaman ni R-brat na dapat
hindi sya lagi nagwo-walk out
para mapag-usapan ang problema
dito din nalaman ni I-brat
na dapat ayusin ang pagbibiro
yung hindi nakakawala ng dignidad

dito din nalaman na kaya palang umamin
ni O-brat na selosa sya
kahit hindi nagpapawis ang ilong nya,
talagang selosa sya...
sa kaibigan lang teh...
sa boypren, kung magselos man sya
tatahimik lang yan,
hindi kikibo
pero sa kaibigan,
kapag super jeling na ang ateng mo,
lalayo yan sa iyo...

at alam ni HB yan
at ni SS
kapag may handaan,
at ipinagbalot mo yung isang friend nyo,
at sya ay hindi,
pihado, magrereact yan,
sasabihing "iba ang tinititigan sa tinitingnan."

sa relasyon, wag kang magtaka kung itukso ka pa nyan
sa iba, o hindi kumibo kapag nakita nyang may kasama ka...
kung hindi naman alam ng taong gusto nya,
asahan mong hindi ka nya ihahanap ng maliligawan kung
sa kanya ka magpapahanap...
at ang isasagot lang nya sa iyo kapag sa kanya ka nagpalakad...
"huwag sa akin."
may kadugtong yun, pero hindi nya sasabihin...

ang kadugtong?
"huwag sa akin...kasi pangalan ko ang ibibigay ko."

selosa...hindi kikibo,
ipagtutulakan ka pa sa crush mo...
pero sa loob nyan,
gitil na gitil yan

sa ngiti nya, makikita din
sabi nga ni kaibigang pula:
"you are smiling with your teeth again."
kapag ganyan ang ngiti nyan, nagpipigil ng inis yan
o nagseselos pero hindi maipakita...

selosa hindi dahil sa possessive sya,
selosa kasi matalas ang pakiramdam nya,
alam nya kung may namumuong kakaiba sa dalawang tao
o wala
kaya mas makakaramdam sya ng selos
lalo nakapag yung taong gusto nya ang involve...

sa kaibigan,
kapag nagbigay ka ng anumang bagay,
wag mong kalimutan na sya ay dapat meron din,
kung hindi mo man sya mabigyan,
wag mo nang ipaalam na binigyan mo yung isa

selosa...kakaiba pa din sya magselos...
ipagtutulakan ka...
itutukso ka...
kakaiba nga...
at kahit gaano ka nya kagusto,
hindi sya magpapacute sa iyo
sa paraang kinasanayan mo,
bagkus, gagawa sya ng paraan
para mapansin mo sya
pero malilito ka pa din...
dahil iba sya sa ginawa nya
at iba sya sa pakikiharap nya sa iyo...

bakit? dahil kapag kaharap mo, pilit
pa ding itatago ang tunay na nasa loob
pilit pa ding ikukubli ang nararamdaman nya

at kapag hindi mo na kaya,
sabihin mo lang,
dahil pagkatapos nyang sabihin lahat-lahat,
susunod nyang pag-aaralan na mawala,
maglaho na parang bula...

di ba dhec?

Stages of Death and Dying: Stages of Moving On After a Break Up


DENIAL: the 1st stage:

Sino ba ang makakapaniwala na pagkatapos ng halos

parang walang katapusang kaligayahan,

tawanan, harutan...

ay maghihiwalay din pala kayo?

Andyan ang mga isipin na:

"Baka may nagawa ako, o hindi ko nagawa..."

"Baka maayos pa kami."

"Baka kapag nagkita kami, hindi na kami mag-away."

Pero alam mo na hindi ganun ang nangyayari.

ANGER: 2nd stage

Andito na ang mga linya ng kaibigan mo na:

"Impakto sya, pagkatapos ng lahat-lahat!"

"Wala syang kwentang tao!"

"Ipabubugbog ko sya!" (pero umiiyak)

"Sana tamaan sya ng kidlat!"

"Sana magkakulugo sya!"

At kung ano-ano pa...

na ikaw bilang kaibigan nya, hindi mo alam

kung tatawa ka ba o maaawa sa kanya.

BARGAINING: 3rd stage

eto na yung nangungulit syang tumawag sa ex nya...

"Alam ko mahal mo ako."

"Why don't we talk?"

"kausapin mo ako."

"Mahal pa din kita at hindi pa din nagbabago yan."

"gagawin ko ang lahat, mabawi ka lang."

"Magbabago na ako, promise."

"Hindi kita jojombagin, please, bumalik ka lang."

"Bibilhin ko na ang gusto mong cellphone, bumalik ka lang sa akin."

O...di ba? ang tindi ng mga linya?

Sounds pathetic? but it happens...

DEPRESSION: 4th stage

Yan... maglalasing na yan...

at will make sure na malalaman mo...

Maghahanap ng away,

Aabsent sa trabaho,

Mag-threat ng suicide,

para lang bumalik ka...

Pwede ding makipagdate gabi-gabi ng ibang lalaki o babae,

basta hindi mo matatagpuan sa bahay

at kung matatagpuan mo man,

umaga yon,

tulog o mugto ang mata,

o lasing pa din...

or hindi pa umuuwi kasi rumampa sa isang mot-mot...

pero she will make sure na makakarating sa iyo

ang mga info na yan para makunsyensya ka...

ACCEPTANCE: 5th and final stage

lahat naman ng bagay o pangyayari sa buhay

kapag tanggap na natin, madali na...

so, kapag tanggap na nya na wala na talaga kayo,

that's the only time na matatahimik ka...

maiirita ka sa mga messages nya,

magpapatay ka ng cellphone dahil tawag sya ng tawag...

magpapalit ka ng number dahil ayaw mo na talaga...

hindi dahil sa hindi mo na sya mahal o minahal

pero dahil siguro, mas masasaktan sya kung magpapatuloy kayo...

at para kang nasa kulungan kapag sya ang karelasyon mo...

or hindi mo makita ang sarili mong sya ang kasama mo habang buhay

o you fall out of love...

Maaring nasaktan mo sya, pero bago mo sya nasaktan

alam nating nasaktan ka nya (baka nga paulit-ulit pa)

at mejo late na nya narealize yun...

pero pasasan ba't aayos din ang lahat...

ang intervening factor nga lang is:

Gaano ka kadesido na hindi na talaga pwedeng ayusin pa?

dahil dyan magrerely kung gaano ka katibay

sa pagkontrol sa sarili mo na huwag maawa...

at alam mong hindi pareho ang awa at pagmamahal...

kung ikaw ang nasa kalagayan nya, mas nanaisin mo pa siguro

na hiwalayan ka dahil hindi ka na mahal...

kesa naman balikan ka dahil naaawa sa iyo...

ang tema lang sa sitwasyong ito ay:

kapag binalikan mo dahil naaawa ka,

pareho kayong nakakaawa...

isang binalikan dahil kinaawaan,

at isang kaawa-awang "nakakulong" na nilalang...

BOW!

God Made Sure I Do Not Give Up


"Everything happens for a reason."

Four years ago,
It was a thursday...
I was on a tamaraw fx ride to work
when I received the call of a former student
explaining something about a mother wanting
to leave her infant at a local hospital...

Never bothering to see nor examine the infant,
I pushed through with the decision...

Five years ago,
If I had known that LITTLE GIRL would not save a failing marriage,
Maybe I would not have made that decision...

But I had...
and a couple of times after the separation,
I was on the brink of wanting to go to another plane of existence...

Nothing seems to go right,
Nothing seems to happen that would make my life
a little happier than usual
a lot more happier than before...

But I saw the child lying peacefully
sleeping...
My conscience berated me...
here I am wanting to end life
just because I was in misery
just because I was in pain,
how unworthy I am of this child,
who I assumed responsibility only to leave behind
just because I was in misery...

Five years ago,
The LITTLE GIRL saved me from a big mistake,
For just being with me,
This LITTLE ANGEL saved me from thinking that life
has nothing to offer...and so together with her,
I moved on...

A couple of mistakes here and there,
Hey, who's perfect?
and still this Little Angel was always there to catch me,
to give a hug...innocent that
her little hug meant so much...

And now, this ANGEL, being the center
of something I never thought a kin would see
as an opportunity to tell me cruel words,
I can't help but fight back...

I never counted how much I have helped,
Never even regretted any help I've extended,
especially to someone I share a mother with...
But unfortunately, she said things I never thought she would,
She made me realize, I was alone from the very start,
and this little blessing....
This angel made me realize, I am never without a company...

Innocent eyes looked up to me,
asking, "Bakit ka iyak? Anong mashakit? Kuha ako amot..."
ahhh...if only what I feel can be alleviated with a medicine...

And that reason why this Little Girl was with me,
why I made that decision 5 years ago?

it came...
God never wanted me to give up...
He knows me too much...
He knew that if I have no responsibility to this child,
He knew that if this child and I never met,
He knew I could have given up on life a long time ago...

He made sure I dont just give up,
He made sure I fight.

Yes, everything happens for a reason,
and this reason found me today...
and seated herself on my lap,
and hugged me
and told me she love me.

Now, if only I could stop the eyes-water from falling,
the mind would be clear as to the next step to take
because God made sure I NEVER give up...

IGOROTAK


Sa Baguio, isang lugar

na halo-halong emosyon ang ibinigay sa akin

dito ko nakita ang mga pamana ng aking ninuno

mga kaugalian nilang hindi ko nagisnan

pero halos nagsusumigaw ang buong pagkatao ko

kung sino ako, kung ilang porsyento ng pagkatao ko

ang kabilang sa Igorota.

Dito ko natuklasan na may mga lugar

na sa isang tingin ay parang Cubao lang

ang palengke na parang Tondo lang

mas maige pa minsan ang Tondo

Nagulat ako sa mga kabataang

bigla-bigla na lang lilitaw,

mabilis na naglalakad,

yun pala, sinusundan ang isang mamang

nagtetext habang naglalakad...

Maswerte padin ang mama

dahil nang aktong sasalubungin na,

nakaharang ang dalawang ineng na nag-aabang ng sasakyan.

Dito ako natuwa sa mga taxi...

walang flag down...

Dito ko nakita na iba-iba ang tribu...

may tinglayan, balbalan atbp...

Sa kadahilanang pangsarili,

hindi ko na babanggitin kung anong tribu nabibilang

ang aking angkan

Dito sa Baguo, halo-halo na ang tao...

Hindi na ito sing ligtas gaya nang dati..

Pero isa lang naman ang mapapansin mo,

WALANG PANGO sa mga kalahi ko...


Kung meron man, naligaw sya,

nalahian, ika nga...

Mataas ang ilong,

may pagkasingkit

at talagang walang pagtatanggi,

matitigas ang tono ng boses

parang laging may kaaway

pero ito na ang aming natural

sabi ko nga at paulit-ulit pa,

kapag lumambot pa dyan sa tonong yan,

hindi mo na kayang hindian pa ang anumang kahilingan...


Madami dito ang kalahi,

pero dito din, madaming takot sa aking lahi

Marahil dahil sa noong uso pa ang ngipin sa ngipin,

kung isang kadugo mo ang pinatay,

kapalit nito'y tatlo mula sa iyong angkan...

Hindi mo pa sila agad maililibing

dahil ang ulo nila, nakadisplay sa aming lupain...


Hindi ko alam kung ang nabanggit ay aking ikatutuwa

pero ito ay isang katotohanan na hindi ko ikakaila

isang bagay na nagpatibay at nagtatak ng pagiging iba

sa mga nagkalat na kayumangging kaligatan


Matapang...sadya nga yatang mga anak ni Gabriela Silang,

baka nga umarbor lang ng kaunting tapang si Silang

sa aking mga kababayan...

dahil kung manganak ang babae,

kinakayang mag-isa

nakatukod ang mga paa at tuhod

o kaya'y magisang nakatalungko...

ganyan nilabas ang aking ina dito sa mundo...


Malaking pasasalamat ko

na ako'y nabuo

dito na sa Maynila

dahil ang balita ko,

inilabas ako ng aking ina

sa napakamabungang Fabella

na pitong buwan lamang

Akala nga ng doktor ay tsugi na

dahil kulay talong na

at hindi na nagalaw,

ngunit pumalahaw nang makatikim ng hataw

sa pwet na kay yaman...


Dito pa din sa Baguio,

iilan lamang ang nakadisplay sa museo

na mga ginamit ng aking ninuno

at sa tingin ko,

hindi kasi ibinebenta ang gamit namin,

bagkus ipinamamana sa mga kadugo mandin...


Wala na akong matagpuan

batong ikinikwintas

na sa amin ay hiyas

na nakita ko pa kay lola

at hindi na malaman

kung kaninong kamay ang may tangan

Naibibili ito ng lupa,

naipantutubos ng baka,

at ang tanging nagsusuot

ay kaming mga maharlika


Hindi ko ikinahihiya,

bagkus ipinagmamalaki pa

isang igorota,mula sa kalinga

hindi man doon namastol

dito sa maynila, ibang lahi ang humatol...

babalik ako sa lugar ni Inay

upang bigyan ng pag-asa

ang mga kabataang hindi makabasa

mga kabataang hindi makapagsalita

dahil ni isang tunog, hindi magawa

mga kabataang, walang nadidinig

dahil paglabas sa mundo,

tahimik na ang paligid...


Hindi ako kakandidato...

basta, babalik ako,hindi sa Baguio

Kundi sa Kalinga, lugar ng nanay ko...

hindi ko man maintindihan ang salita dito,

walang taong hindi natuto sa bayang ito...


Sabi nga sa isang museo,

isa lang ang agaw pansin sa mga amerikano,

ang mga igorot dito,

sadyang matatalino

at kaya sila nanatiling makaluma

sapagkat madaming bagay na masama

ang dala-dala ng bagong punla.


Igorota...hindi lahat matapang,

hindi lahat matibay,

dahil ang lahat ng matibay at matapang

Kalinga ang pinagmulan!

Kasagutan


Pauwi...Nakasakay ka sa jeep...

Maraming tanong ang naglalaro sa isip mo

mga tanong na hindi naman ikaw ang makakasagot,

mga tanong na minsan, alam mo ang sagot,

naghahanap ka pa ng mas matibay na ebidensya

sa atin kasing mga pinoy

mas madaling paniwalaan ang pangit na sinabi tungkol sa atin,

mas mabilis tayong magdesisyon dahil nag-eekpek na tayo ng negatibo

kaya nawiwindang tayo kapag bigla, positibo ang lumabas na resulta

naiiwan tayong nakatunganga, nabigla

at hindi makausal ni isa mang salita...



May mga taong pilit mong hindi inaalala

hindi dahil ayaw mo, kundi, wala ka namang magagawa sa sitwasyon



so ano ang sagot?



Wait ka na lang!

Paulit-ulit...Pabalik-balik...


Nung bata ka pa,

maririnig mo ang mga matatanda:

"Huwag kang masyadong makulit."



Tapos. ngayong nasa tamang edad ka na

ang nasasabi mo naman sa matatanda:

"Ang kulit ng matandang iyon."



Ibig bang sabihin ay lahat tayo ay hindi nagbabago?

Na nanatili tayong makulit?



Dun sa isang commercial ng McDo,

panay ang Gina ni Lolo

nung Si Karen na ang binanggit,

may dalang kurot sa puso...

di ba't makulit nga si Lolo?

at makulit din si Karen

hindi sila magkaintindihan

kasi, ayaw tanggapin ng isa ang katotohanan

na sadyang ganun ung isa.



Sa usaping puso,

ilang beses ka na bang nabasted?

eh maitanong ko lang,

ilan na ba ang nagparamdam

na may hatid kang saya sa buhay nya?

Wag kang magpanggap,

alam mo kapag may kakaibang pagtingin sa iyo ang isang nilalang...

Yan ay isang biyaya na hindi gaano nating pinapahalagahan...



Mga bebot,

ilang beses ka na bang iniwan?

Ipinagpalit sa kulay kaldero?

O ipinagpalit sa kulay nitso?

At ilang beses mo na itinanong si Lord,

Why?

naman oh...

eh bakit, naitanong mo ba kung ilan na ang nabasted mo?

o ilan na ang natarayan mo?



Wag kang bitter,

kasi sa totoo lang,

hindi mo naman alam kung sino dyan sa tabi-tabi

ang mahal ka kahit hindi mo kinakausap...

mahal ka, kahit hindi ka nagrereply,

mahal ka, kahit inuutangan mo lang sya...



Hindi ba't, sa bawat pagbiyak ng puso mo,

may isang tao kang kausap,

o kainuman,

tapos bukod dun,

may kaisa-isang taong

paulit-ulit na nakikinig sa iyo,

sa mga joke mong corny,

sa mga hinaing mo sa buhay



paulit-ulit na nasasaktan mo,

kahit hindi sinasadya,

pero pabalik-balik sya sa iyo,

andyan pa din...

TL? tulo laway sya sa iyo?



Sa totoo lang,

bilog nga ang mundo,

bilog na bote ang kausap mo kapag broken heart ka,

at lahat, gaya ng isang bilog,

ang dinanas ng isang taong nagmamahal sa iyo

nang tahimik

ay dadanasin mo din...



Owsss???



oo naman...

dinadanas ko eh...

Facebook ni Lord


Naranasan mo na ba na gawin lahat ng makakaya mo...

tapos sa dulo...kulang pa...



At parang lahat yata ng pagkakataon na masilip mo

para gawin ang dapat mong gawin...madami ka ding dpat unahin...



tapos...eto na...hinaharap mo na...

para namang nag-iinarteng babae/lalaki na nagpapahabol pa ata...

at gusto ay tumigil ang inog ng mundo mo,

para lang makamit mo ang kailangan na letra sa dulo ng pangalan mo...



kung pwede lang magmura...

Ginawa mo na...mailabas mo lang ang buhol-buhol

at patong-patong na nagpapasikip at nagpapabigat ng damdamin mo...



pero sadyang hindi pa napapanahon...



sabi nga sa theme song ng McDo...



"panapanahon ang pagkakataon..."



pero ang sabi ni Sharon Cuneta...: "Bukas, luluhod ang mga tala."



so, para original sabihin mo na lang..."Bukas, luluhod ang mga bakla."



O akala mo seryoso?



going back sa sentimyento de patatas na ito...



Di bale, malay mo, inilalayo ka lang sa disgrasya...



Sana may facebook si Lord...para mabasa mo agad ang sagot nya...

Kahit twitter, pwede din...

or messenger...



Lord...ano po ba talaga? Please show the way...



Thy Will be done.

Mangga


tiningnan ko ang pics mo,

pics ko,

at matagal na din palang hindi talaga tayo nag-uusap...



hindi mo ba namimiss ang asaran?



pero, alam mo, para matauhan ako,

sisilipin ko ung pics ninyong dalawa dati...

hmmmm...kaso ala na kasing epek sa akin yun...

yun ang problem...



nabasa ko ulet ang mga comments...



sa matalas na tao, makikita na wala na ngaun ang pangalan

na dating nagcocoment...



pero hindi sila ganon katalas eh...

tayo lang yon...

at yung mga taong nakakaalam...



at ewan ko ba naman...sa twing titingnan ko ang pics mo at pics ko,

(syempre kasali din ang pics ko...)flashback naman bigla...



the day I opened the door at 7 in the morning,

not expecting that it would be you...

(I wasn't able to say anything...hahaha!)

ganun talaga kapag nabibigla ako...

hindi ako nakakakibo...

tapos hahanap ng ibang gagawin...para hindi mabasa ang mukha ko...



pucha...nag tumbling kaya ang puso ko nung araw na yon...

as in!

taz...hahaa!

taz nagkaron ng pagkakataon na masilayan kung anong fez mo kapag borlog...

wala...parang baby...BABY DINOSAUR! hehehe!



nakow, eh kakabangon ko lang dun...naisip ko tuloy kung tumulo ba ang laway ko sa unan,

nakakahiya...(pero naalala ko, hindi naman natulo ang laway ko kapag natutulog)



kung may isang salita na idedescribe ang araw na yon, "punong-puno" ang gagamitin ko,

punong-puno ng mga sitwasyon na nagpasaya, nagpagulo, nagpagising sa kung ano mang mga katanungan

sa isip ko at puso mo...



sabi nila, ang woman's instinct ay madalas tama...

hindi nila alam,

mas matindi ang man's instinct...



sinungaling ako kung hindi ko sasabihing, may impact sa akin ang nag-iisang araw

na naging makahulugan sa akin ang pambansang prutas ng Pilipinas...



simple lang kasi ang araw na yon,

simple din lang ang mga instrumento,

pero malupet mga nakapaligid na elemento...



lahat nanood lang,

lahat, minor roles lang ang ginampanan...



ikaw kasi eh...

makulit ka...

ako naman, adik,


pilit itinatago

ang ayaw naman magtago...



nakakatakot...isang araw lang yon...

may mga panggulo pa...

kayanin ko kaya kapag...



kapag maasim ang mangga??? hahaha!

...and there was light


Kapag sarili mo lang ang tinatanong mo,



maraming bagay ang pwedeng mangyari...



pwedeng ang mga bagay na maliliit ay lalaki,



may mga problema na hindi naman pala dapat isipin na problema

may mga sitwasyon na hindi sana nagdudulot ng lungkot sa iyo,



pero dahil sa maraming mga tanong na naglalaro sa isip mo,

gumugulo...



kaya, nakikiramdam ka na lang

naghihintay,

madalas hindi mo alam kung may hinihintay ka,

madalas, hindi mo alam kung Oo ba ang sagot sa tanong mo



at ang sabi nga ng matalik mong kaibigan,



"Kung sino man ang nagpapagulo ng isip mo,

sya din naman ang makakasagot ng mga tanong mo."



at dahil nga iba-iba ng sitwasyon ang bawat tao,

hindi laging sakto ang advice ng kaibigan mo...



Let there be light...



Where will this road go?

Should I give up now or go on?

which is which?



Let's not pretend...

Please stop weaving lies...

My feelings never changed

it never has...

but you announced to the whole world that you're happy with someone...



yet, I stand in the rain,

waiting for the familiar shadow...

as one good song say:

"If We Try."



Ahhh...one thing is for sure...



I'll wait til you find the right time...

Sunday, December 5, 2010

I Hate My Parents


"I hate my parents...

I hate my mother, she carried me for nine months,

yet she did not even plan for that small part where she will bring me to this pit... you call Earth...


Medical services are available...for free...
yet I waited nine months inside my mother's womb
without even getting palpated by the midwife except...when it's time to go see what's outside...

I hate my father...he knew I will be arriving soon,
yet he did not made any plan what's to become of us,
when I'm finally out of mother's malnourished body,
whom whether hungry, drunk or drugged, I get dizzy inside...

there was no food to eat...no safe water to drink...


Now, I am out...here in this place you call country,
in this place you call Earth...
I have enough reasons to hate my parents...
Give me enough reason not to hate the World and the people in it...

I have a dream...yes, I do dream... but, AN IMPOSSIBLE DREAM..."

Thursday, December 2, 2010

Why The Filipina is A Great Mother and Wife (part 1 of 5)


Five years ang relationship ni HB at ni JC

Pero siguro, dahil talagang hindi talaga sila para sa isa't isa,

nagkahiwalay sila...


Syempre, sinong may kasalanan? Eh di si lalaki...

Lagi naman eh...(bitter???)

(walang basagan ng trip...peace!)


Akalain mo, meron pala syang isang kaibigan... si RM

na matagal na pala syang minamahal...

Kasama sa lahat ng lakaran habang magboyfriend si H at si JC,

Sa di kalayuan, si R, buntunghininga lang...

Mahirap nga naman...


Pero sadyang may tamang panahon sa lahat ng bagay...

Or baka matindi magdasal itong si R sa lahat ng mga santo...

at nag volt in sila ng super powers nila para maibigay na ang request ni RM


At finally, ayun, nagbreak na si HB at si JC.

Ikaw ba naman 5 years kayong magboypren

syempre, mashakit yun...

Sabi nga ng father dear ni HB,

"Anak kung nabibili lang yan, ibinili na kita ng isang box galing japan!"

...syempre hindi na kasama yung isang box galing japan...

dagdag ko na lang yun, syempre kwento ko na ito e,

may dagdag na...(charing lang)


Super sunget...

Define mo ang masungit...

Hay grabe...

Dahil nga alam ng mga barkada na broken harted nga itong HB,

super punta sa haus nila si SS kasama ang boypren nyang si AM,

si AA na hindi ko na maalala kung ang boypren nya ba dat tym ay

si GA o si CM, si OB na nagrerebyu that time,

si AC na walang gelpren since birth...


Yan ang mga casting...

ang lupet di ba?

parang tatak ng lapis,

istasyon sa radyo,

voltahe ng kuryente,

size ng baterya,

tawag mo sa wishart mo...

o di ba, unique...


O e ayun na nga... super sunget nga...

Tipong pag pumpunta ka dun,

tinatanong nya kung bakit andun ka...

parang ayaw nyang naaawa ka sa kanya

heller? eh dati na naman nagpupunta ang tropa sa haus nya...

pagbigyan na natin broken hearted e...


wan tym nga, sinopla si OB,

"Bakit andito ka na naman?"

Syempre, parang girl scout,

sabi ni OB "Dinadalaw ko nanay mo baket??"

O, di ba? kaya mo yun?

Mahirap talaga sindakin ang magbabarkadang ito...


wan day, may dumating na bokwet,

oo, as in bokwet of flowers...

na para kay HB...

at ang nasa kard ay ang

matalinghaga,

makahulugan,

makabug-bug damdaming


"St. John 3:16"


Syempre, super kunot ang dati na

at laging naka kunot na noo ni HB...

ang mga tropang tabing ilog

at tropang palit kalendaryo

ay nagdatingan at walang katapusang

inisip kung sino nga ba si San Juan?


Bago tayo tuluyang lumayo,

ano nga ba ang laman ng John 3:16?


"For God so love the World

He gave us his Only Son"


Hindi pa din magetching ng mga friendship ni HB,

why parang religious ang approach

ng kung sino man ang nagpadala ng bokwet of flowers...


itututuloy........................

Why The Filipina is A Great Mother and Wife (part 2 of 5)


ang pagpapatuloy...


Dahil siguro, hindi na din makatiis,

Leyter on,

umamin na si RM

na sya nga si John 3:16


Nung tinanong sya bakit ganun ang nakalagay,

sinabi ni RM na nung mga oras na parang wala ng

pag asa na magkaroon sya ng pagkakataon

na ipakita kay HB na mahal nya ito,

ang lagi na lang nyang iniisip ay

Kung ang Dyos nga, ibinigay ang nag-iisa nyang anak

para sa atin,

bakit hindi na lang nya ilaan

ang kaisa-isa nyang puso kay HB...

ano ba naman na tumanda syang binata...


Charing lang! Hindi ko po talaga alam kung bakit John 3:16

pero kung susumahin, yan po ang nais iparating ni RM

kay HB...

na para bagang kaya nyang magwait forever...


At madami pang mga pagsubok ang dumating sa buhay nila

partida, hindi pa sila ikinakasal nyan,

may mga contrapelo na...

Madaming klase ng pagsubok ang dumating sa buhay ni RM...


Saksi ang madami nilang kaibigan kung paano

labanan ni HB ang opinyon ng lahat ng taong

nakapaligid sa kanya kung paanong pilit

syang kinukumbinsi ng mga pagkakataon

na hindi sila dapat magpakasal ni RM...

Pero, inilaan nga sila para sa isa't isa...


Natuloy ang kasal.

Nalampasan ang problema na kinaharap ni RM,

Ang mga problema ni RM ay

naging mitsa pa nga para magalit si OB

sa isa nilang tropa-tropahan

na hanggang ngayon ay

tupperware party ang treatment ni OB...


Nagkaroon ng napakalusog at talaga namang

hanggang ngayon ay sobrang lusog pa din

na anak na lalaki...

Aktwali...

lahat na sila ngayon, ay super lusog...

Pwede nga sila sa komersyal ng

"Busog Gana, Lusog Nutroplex!"


Dumating na namang ang isang pagsubok,

Eto kasing si pagsubok,

madaming kamag-anak,

lahat ng bahay na dinadalaw nya,

sinusundan sya ng mga kamag-anak nya

kaya hindi talaga tayo mawawalan nyan...

kasi yang si Pagsubok ay hindi naliligo,

nangangalingasaw yan

kaya kahit malayo, naamoy ng kamag-anak nya

bakit, ikaw ba, gusto mo ng amoy singit?

ganyan daw ang amoy ng pagsubok...


kwento lang yan,

kasi hindi pagsubok dumadating sa akin,

trials...take note...trials...heheheheh


itutuloy............................

Why The Filipina is A Great Mother and Wife (part 3 of 5)




ang pagpapatuloy...



dumalaw si OB sa inuupahang bahay ng magasawang HB at RM

na ngayon ay HM na at RM

Dinatnan nya ang mudra ni HM na naglalaba

nagmano at tumuloy na upang tingnan ang lagay ni HB

ilang araw na kasing nilalagnat si HB,

hindi nawawala

kung mawala man, saglit lang

dahil na din siguro kasalukuyang naghahanap pa lang ng trabaho si RM,

ayaw ding magastusan ni HB

kaya dinadaan sa paracetamol

May araw nga na binibiro ni OB si HB

"maligo ka naman.

kaya ka nilalagnat e."



Dinatnan nya si RM na nakahiga sa sahig...

kahoy naman yun at malinis kasi upsters yun...

si baby MM ay tulog at si HB...tulog...

tulog-tulugan!



Yun pala, inaatake na ng depresyon ang ate mo...

So, dahil nga borlog ang mga otaw,

jumuwi na lang si OB



Kinaggabihan, nakatanggap ng tawag si OB

mula sa kapatid ni HB,

nasa hospital daw si HB ahil uminom...

uminom ng zonrox!



kahit gustong umiyak ni OB,

dahil mahal na mahal nya ang kaibigan nyang ito,

nasabi na lang nya na "sge, puntahan ko"



so nagkita-kita sa ospital ang tropang palit kalendaryo

at tropang tabing ilog...

ang iba napakagaling magtago ng emosyon....



pero si SS at si OB

panay ang tulo ng luha

ayaw magsalita ni HB,

sa twing kakausapin ay luha lang ang sagot...



sa isang kaibigan, napakabigat sa loob non,

gusto mo syang tulungan,

abutin,

at ipaalam sa kanya na mahal na mahal mo sya

na parang kapatid,

na kahit ano pang problema ang dumating,

pwede naman nilang iinom ng kape

ng tubig, ng agua de pataranta,

wag lang ng zonrox...

ang baho nun e...



sa ospital din nalaman

na ang lagnat pala nyang pabalik-balik

ay sanhi ng Lupus...



isa itong systemic disease

hindi alam kung saan galing

pero ang nag-trigger dito ay stress...

ang panganganak ay isang klase ng stress...

isa yun sa mga nagtrigger ng sakit nya

ang isa pang nakakalala ng sakit na ito

ay matinding sikat ng araw...

nagkakaroon sya ng hugis paru-parong rashes

sa mukha, sa may leeg

at tumataas ang temperatura ng katawan,

naghihina, masasakit ang mga kasu-kasuan

na gaya ng sa arthritis o rayuma...



nakakamatay ang sakit na ito

kung maaalala ninyo,

ito ang sakit ng dating pangulong Ferdinand Marcos

Namatay si Pres Marcos sa komplikasyon sa bato

kung hindi aagapan

dahil nga buong katawan ang tinatarget ng sakit na ito,

hindi mawawala ang depresyon

at yun ang nakapagpatumba kay HB...



hindi naglaon,

naging maayos din naman

at nakontrol ng gamot ang mga sintomas

ingat lang talaga ang kelangan

lalo na kapag matindi ang sikat ng araw



Kung paanong umulan ang mga dagok sa buhay ni HB at ni RM,

ganun din umulan ang pagpapapala...

Natanggap sa trabaho si RM,

nagkabahay, nagkakotse, gamit sa bahay...

naipasok si MM sa isang magandang eskwelahan

at unti-unti, naging malulusog silang lahat...hehehehe



Sinong mag aakalang ang nagmamaneho ng sasakyan na ito

ay naglalakad nang maaga

para mag apply sa trabaho?



At titigil panandalian sa bahay ng isang kaibigan

para mamahinga upang magpatuloy na maglakad

para makarating sa opisinang aaplyan...



Kung papatalo ka nga naman sa sitwasyon,

wala ni isa man sa inyo ang nagwagi....



itutuloy.....

Why The Filipina is A Great Mother and Wife (part 4 of 5)


ang pagpapatuloy...


Wala na sigurong mahihiling pa

dahil umulan man ng pagsubok,

sumikat din ang araw para sa dalawa

may kasama pang rainbow!



Wala na nga,

pero ginusto ni HB

na bigyan ng kapatid si MM...


Nag-try...super try talaga...

at nabuo...

at eto na naman...


nadiagnose si HB na may APAS

(anti phospholipid syndrome)


teka lang po... medical commercial break muna tayo...


APAS is also known as Hughes Syndrome or "Sticky Blood"

It is a disease of the immune system.


Parang ganito yan...


May grupo ka ng mga sundalo na nakikipaglaban sa kaaway

Pero dahil nagkaroon ng problema sa sistema,

o paniniwala ng isa o ilan sa mga sundalo,

hindi na nila nakikilala ang kapwa nila at

binabanatan na din nila


ganun din ang apas,

ang fighter cells nya

ay hindi narerecognize and kapareho nya

kaya akala nya kalaban...

ayun tsinutsugi nya...


sabihin na lang natin na parang nagdilim ang paningin ng mga fighter cells.


kung titingnan mong maigi, halos kamag anak nya ang AIDS


Paano nadedetect ang APAS?

blood testsssssss


oo plural, maraming blood tests...


1/6 or isa sa bawat anim na babae

na nakadanas malaglagan ng sanggol ay may APS.



Maiiwasan ito sa pagpapatining ng dugo,

ika nga, kung malapot, eh di labnawan mo...



kaya dahil gusto nyang bigyan ng kapatid ang anak,

aspirin, at araw-araw na injection...

TAKE NOTE, ARAW-ARAW NA INJECTION ng HEPARIN

in short, buburdahan mo ang braso mo, hita o tyan mo...



wag nating kalimutan na nakasteroids sya para makontrol

ang lupus...



so nakikita mo na ba ang masalimuot na mundo ng pagiging Nars???



itututloy.....

Why The Filipina is A Great Mother and Wife (part 5 of 5)


closely monitored ang kaibigan ni OB...

idefine mo ang ultrasound...

super ultrasound ang HB dahil sa ganung paraan mamomonitor kung

ano na ang lagay ng bata...



at si OB, naatasang mag inject...



na later on ay natutunan din ni HB

dahil naassign si OB sa malayong lugar...



bago tayo magpatuloy,

isa ang APAS sa mga dahilan kung bakit

may mga babaeng hirap magbuntis...

at kung mabuntis man ay hindi ganun kasuccessful

MALAPOT kasi ang dugo...

ang mga pwedeng pagdudahan na may APAS ay

yung may arthritis, madalas magkamigraine,

skin rashes at mga pasa-pasa...

minsan, yung may history ng epilepsy...



Dumating at natapos ang 9 na buwan,

hindi mo alam kung saan humugot ng lakas,

pera, tyaga si HB at RM

Isa lang naman ang sagot,

sa pagmamahal nila sa isa't isa...



Ngayon? Yun andun si HB, busy sa pagpapalago ng maliit na negosyo

si RM, trabaho,

si MM, ayun, palaki ng palaki...

si NM, ganun din....parang siopao...



bakit ko ikinwento ang istoryang ito?



Una, pagtupad sa isang pangako na balang araw,

ikekwento ko kung paano ang isang pagkakataon,

na dahil sa halos maubusan ka ng pag-asa

ay meron pa ding magbibigay sa iyo ng dahilan

para magpursige at umasa



pangalawa, matatapang ang mga babae...

buo sila magmahal,

wag mong bigyan ng dahilan para unti-unting malusaw

at mawala na lamang...



Anything that you learn,

can be unlearned...



gaya ng pagtawid sa kalye...

kapag matagal mo nang hindi ginagawa,

kapag ginawa mo ulet,

para kang nagsisimula pa lang matuto...



Kapag matagal kang hindi nagmahal,

kapag ginawa mo ulet,

para kang nagsisimula pa lang matuto...

maraming tanong,

maraming agam-agam,

at mabuway din ang mga pag-asa na meron ka...



Hindi lahat ng nakikita

o naririnig

ay yun na agad ang tatanggaping kasagutan...

may mga oras na kailangang gamitan ng mas malalim na pagtingin,

read between the lines ika nga,

talasan ng pakiramdam,

gaya ng mga nakatagong aral sa bawat istorya o komentaryo dito,

may mga nakatago ding mensahe sa bawat istorya o komentaryo dito...



At kung pagninilay-nilayin mo...

Hindi ako magkakamali kapag sinabi kong,

alam mo kapag patungkol sa iyo ang istorya o mensahe,

at alam mo kapag para sa iba...



matagal na tayong meron nito...

matagal na nating ginagamit...

iisa lang ang napakaloob dito sa istorya dito...

PAKIRAMDAM...



-------------- THE END-------------